Games and Amusement Board, nilinaw wala silang tauhan sa mga naarestong e-sabong suspects sa Parañaque City

66

Nilinaw ng Games and Amusement Board na wala silang tauhan sa mga naarestong suspek sa Parañaque City dahil sa pag-ooperate ng e-sabong.

Mababatid na nasakote ng PNP-Crime Investigation and Detection Group noong Biyernes ang limang suspek na sangkot na ilegal na sugal kung saan isa sa mga ito ay kawani ng GAB.

Ayon kay GAB officer-in-charge and legal chief Atty. Ermar Benitez, tinitignan na nila kung papaano nabanggit ang ahensya sa ulat at sinisilip na ang posibilidad na ang isa sa mga naarestong suspek ay isang gaffer o athlete na mayroong lisenya ng GAB.


Facebook Comments