Tinatayang nasa tatlong milyong manggagawa ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ang matutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa panukalang P52 billion wage subsidy program.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakapaloob sa nasabing programa ang sahod ng mga manggagawa na tatagal ng 3 hanggang 6 na buwan para manatili ang mga ito sa kanilang trabaho.
Kasabay nito, nanawagan ang DOLE sa mga employers na huwag nang tanggalin ang kanilang mga empleyado at i-rehire ang tinanggal noon dahil sasagutin ng ahensya ang 25% hanggang 50% ng kanilang mga sahod.
Facebook Comments