Halos walong libong pulis ipapakalat sa Metro Manila simula mamayang hatinggabi dahil sa ipapatupad na MECQ

Aabot sa 8,000 pulis ang ipapakalat sa buong Metro Manila simula mamayang hatinggabi sa pagbabalik sa 14-day Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, mamanduhan ng halos walong libong mga pulis na ito ang mga quarantine checkpoint, partikular ang mga provincial boundaries para matiyak na wala sa lansangan ang mga hindi otorisadong bumiyahe alinsunod sa itinatakda ng MECQ.

Sinabi pa ni Banac, babantayan din ng mga pulis ang NLEX at SLEX para magpatupad ng quarantine checkpoint, kaya’t aasahan ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan.


Paalala naman ng PNP sa mga frontliners, mas maging maingat sa mga panahong ito para makaiwas sa pagkahawa ng COVID -19.

Facebook Comments