Lalaki, natagpuang nakagapos sa poste at nakabalot ang mukha ng duct tape

365
Photo from QCPD

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakagapos sa poste ng kuryente at nakabalot ng duct tape ang mukha sa Quezon City nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, isang street sweeper ang nakapansin sa katawan ng biktima dakong alas-5 ng hapon sa gilid ng opisina ng National Power Corporation sa may Agham Road sa Barangay Pinyahan.

Nakatali sa likod ang mga kamay ng hindi pa nakikilalang lalaki at sinabitan siya ng karatulang may mensaheng “holdaper/snatcher pusher ako wag tularan sputnik bng.”

Nakasuot ang biktima ng dilaw na t-shirt at pulang shorts. May tattoo rin ito sa kanang binti.

Nagtamo rin ang lalaki ng mga tama ng bala sa ulo at nakita sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng hindi pa malamang uri ng baril.

Sa una ay napagkamalan pang basura ang nakalagay sa poste dahil madalim pa raw sa lugar nang matagpuan ng metro aide ang bangkay.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo at kung sinong nasa likod ng nakagigimbal na insidente.




Facebook Comments