Hamon ni Pangulong Duterte sa mga European Ambassador, hindi dapat seryosohin

Manila, Philippines – Hindi dapat seryosohin ng mga European Ambassador ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na umalis sa Pilipinas sa loob ng 24 na oras.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, nais lang sabihin dito ng Pangulo na isang soberanyang bansa ang Pilipinas kaya dapat na maghinay-hinay sa pakikialam ang mga European countries.

Dagdag pa niya, ang utos na pagpapaalis sa mga ambassador ay dapat na manggaling lang sa Department of Foreign Affairs.


Sa kabila nito, mananatili pa ring kaalyado ng bansa ang EU countries sa kabila ng pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa China, Russia at Great Britain.

Facebook Comments