Ginawang optical illusion ng isang floor tile company sa UK – viral online

65

United Kingdom – Nag-viral kamakailan ang hallway ng isang gusali sa U.K. dahil sa nakaka-amaze na optical illusion nito.

Gamit ang apatnaraang piraso ng tiles, idinikit nila ito sa sahig na parang hindi pantay-pantay at mistulang paalon-alon.

Ayon kay Duncan Cook, owner ng floor tile company na Casa Ceramica, ginawa nila ito para hindi magtakbuhan sa hallway ang mga dumaraan dito nang sa gayon ay maiwasan din ang ingay.

Tiniyak naman ni cook na flat at safe na maglakad sa nasabing hallway.

Facebook Comments