Binibigyang pansin ngayon ang hanay ng edukasyon sa Dagupan City sa pamamagitan ng pagtutok ng iba’t-ibang programa para sa mga Kabataang Dagupeno.
Isa rito ang matagumpay na pagtatapos sa pag-aaral ng halos pitong daan o 700 na mga estudyante sa ilalim ng programang ng Alternative Learning System o ALS mula sa antas ng Elementary, Junior High School at Senior High School sa Dagupan City.
Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang ay nagsipagtapos din ang mahigit anim na libong mga daycare pupils mula sa iba’t-ibang paaralan sa lungsod.
Alinsunod dito, mabibigyang parangal ang Dagupan City bilang Best Implementer for Curriculum Development for the Youth and Out-of-School Youth na magmumula sa London government at Ministry of Thailand sa darating na September sa Bangkok, Thailand.
Dagdag pa ang Oxford Award for Excellence in Good Governance and Public Service sa pangunguna ni Mayor Fernandez gayundin ang Education Leadership Award.
Samantala, nagpapatuloy naman ang usapin kaugnay sa Scholarship Program na ilalaan para sa mag-aaral na mga Dagupeño lalo na para sa mga kapos sa pamumuhay. |ifmnews
Facebook Comments