MGA SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG SAN JACINTO, NAKATANGGAP NG AICS PAYOUT

Nakatanggap ang mga senior citizens sa bayan ng San Jacinto ng payout sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakatakdang ilaan ang nasabing tulong pinansyal para sa kanilang mga pangangailangan tulad na lamang ng mga kinakailangang bilhin na mga gamot lalo na para sa mga kondisyon na sa kalusugan.
Kabuuang isang libo naman ang bilang ng mga benepisyaryong nakatanggap ng nasabing tulong sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni 4th District Representative Cong. De Venecia at ng lokal na pamahalaan ng San Jacinto sa ahensya ng DSWD.

Samantala, nagpapatuloy din ang ilang mga programa at serbisyo ng kongresista para sa mga residente sa ilalim ng ikaapat na distrito ng Pangasinan o mga bayan ng Mangaldan, San Jacinto, San Fabian, Manaoag at Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments