Hanay ng PNP apektado dahil isinasangkot si PNP Chief Albayalde sa isyu ng recycling ng droga o ninja cops

Nalulungkot ang buong hanay ng pambansang pulisya pero hindi padadaig sa mga kontrobersya.

 

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac sa harap ng mga ibinabatong kontrobersya ngayon sa Philippine National Police partikular mismo kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde.

 

Ayon kay Banac maraming beses nang naharap sa malalaking isyu ang PNP pero katulad ng dati inaasahan nilang malalagpasan din ito ng kanilang ahensya.


 

Naniniwala syang maibabalik muli ang tiwala ng mamamayan sa PNP.

 

Sa ngayon magpapatuloy aniya silang gampanan ang kanilang tungkuling paglingkuran ang mamamayan para mapanatili ang kaayusan ng bansa.

 

Samantala sa kabila ng pahayag na ito ni Brig Gen Banac, sinabi ni Brig Gen Arnel Escobal ang Regional Director na low morale ang buong hanay ng police regional office 5 sa kinasasangkutang kontrobersya ngayon ni PNP Chief Albayalde.

 

Aniya nakakalungkot dahil ang pinaka boss nila ang isinasangkot sa ninja cops, apektado aniya ang organisasyon at hindi ito maganda sa imahe nila.

 

Pero giit ni Escobal dapat na manaig ang katotohanan para maitama ang mga mali at ma ingatan ang kredibilidad ng PNP.

Facebook Comments