Hanay ng PNP at AFP, nakahanda sa anumang epekto ng Ukraine-Russia conflict

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang sa mga Pilipino na mayroong mga hakbang at contingency plan na nakaposisyon ang pamahalaan, bilang tugon sa inaasahang epekto ng Ukraine-Russia conflict sa ekonomiya, kalakalan, at human resources ng Pilipinas.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sa ipinatawag na pulong ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi kasama ang mga high ranking officials ng militar, pulis, ilang miyembro ng gabinete, napag-usapan ang mga posibleng scenario kung magpapatuloy ang tensyon sa Ukraine.

Tiniyak aniya ng hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na handa ang kanilang assets anuman ang mga susunod na development sa nasabing usapin.


Pero umaasa ang kalihim at kaisa aniya ang Pilipinas ng buong mundo sa panalanging magkakaroon ng mapayapang resolusyon sa lalong madaling panahon ang tensyon sa pagitang Ukraine at Russia lalo’t wala naman aniyang magbebenepisyo sa giyera, bagkus ay kikitil lamang ito ng buhay ng mga inosenteng sibilyan.

Facebook Comments