COVID-19 transition plan ng pamahalaan papuntang new normal, ilalabas na sa susunod na linggo

Ilalabas na ng Department of Health (DOH) sa susunod na linggo ang magiging transition plan ng pamahalaan sa sandaling maging endemic na ang COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakipagpulong na siya sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Inter-Agency Task Force (IAFT) upang pag-usapan ang magiging prinsipyo para sa transition papuntang new normal.

Aniya, target nilang ilabas ang new normal roadmap sa kalagitnaan sa susunod na linggo matapos na mailagay na lahat ng inputs sa iba’t ibang sektor.


Kasabay nito, nilinaw ni Duque na kahit papunta na tayo sa new normal ay isipin pa rin ng taongbayan na nandyan pa ang COVID-19 at posibleng tumaas pa rin ang kaso nito anumang oras.

Facebook Comments