Katulong ang hanay ng pulisya sa Ilocos Region sa pagsasagawa ng rescue at relief operations kasunod ng pananalasa ng Bagyong Uwan sa rehiyon.
May mga idineploy sa mga evacuation centers upang gabayan at bantayan ang mga lumikas na residente at tulungan ang maayos na pamamahagi ng relief goods.
Idineploy rin ang ilang mga pulis upang tulungan ang mga residente na nangangailangan ng agarang paglilikas at maihatid sa mga evacuation centers.
Sa Pangasinan, nagsagawa rin ng rescue operation ang Pangasinan Police Provincial Office upang ilikas ang mga na-stranded na residente sa bahagi ng Libsong West, Lingayen.
Nananatiling naka-alerto ang hanay ng pulisya upang patuloy na magsagawa ng rescue, evacuation, at seguridad, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at disaster response teams.









