Ayon sa post ni Tuguegarao Mayor Maila Ting Que sa kanyang Facebook page, kabilang sa mga eskwelahan na apektado ang Tuguegarao West Central School, Tuguegarao East Central School, Tuguegarao North Central School, Cataggaman Nuevo Elementary School, Caritan Elementary School, Annafunan Integrated School, Capatan Integrated School, Pengue Ruyu Elementary School, Larion Alto Elementary School, Larion Bajo Elementary School, at Linao Elementary School.
Maging ang mga Barangay Officials kung saan matatagpuan ang mga paaralan ay pinapayuhan din na magdisinfect sa kanilang mga nasasakupan.
Kaugnay nito, ipinayo din ng alkalde ang wasto at regular na paghuhugas ng kamay at pagsasagawa ng physical distancing sa lahat ng oras kahit nasa bahay.
Ang mga sintomas umano ng sakit na kinakailangan bantayan ay tulad ng mga mouth blisters, sore throat, fever, at hand and foot skin lesions.
Kung makararanas naman ng mga sintomas ay pinapayuhang manatili sa bahay at komunsulta sa doktor.
Pinapayo din na mag-quarantine sa loob ng 7-10 araw mula ng makaramdaman ng mga sintomas.