HAND, FOOT AND MOUTH DISEASE SA ILOCOS REGION TUMAAS AYON SA DOH REGION 1

Sa patuloy na pagmomonitor ng mga health authorities ukol sa hand, foot and mouth diseases sa Ilocos Region ay tumaas ito ayon sa Department of Health Center for Health Development I.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Medical Officer IV tagapagsalita ng DOH-CHDI Dr. Rheuel Bobis, tumaas ang bilang ng mga hinihinalang mayroong sintomas ng HFMD sa rehiyon as of December 11-17 noong nakaraang taon.
Sa datos na ibinigay ng opisyal sa IFM Dagupan, nasa 2, 283 ang mga suspected cases sa rehiyon kung saan ang lalawigan ng La Union ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang na may 1, 278 na kaso, pumangalawa naman ang Pangasinan na nakapagtala ng 779, 188 na kaso naman sa Ilocos Norte at ang Ilocos Sur ay nakapagtala lang ng 38 na kaso.

Sa datos pa rin ng kagawaran ay nasa 457 na ang kumpirmadong kaso mula sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon.
Samantala, sa pagtaas nito ay wala pa naman umanong nakikitang dahilan para ideklara ang outbreak ng sakit dahil nagagamot naman ito agad.
Dagdag naman ng opisyal, nakikipagtulungan na ang DOH sa DepEd para makiisa at upang magawa ang mithiin na makaiwas sa sakit kung saan naglalagay ang mga ahensya ng maayos na paalala at mga pasilidad na maaaring paghugasan ng mga mag-aaral ng kanilang mga kamay, regular na disinfection sa mga silid-aralan at sa pagpapaalala sa usaping pagpapanatili ng malinis at malusog na pangangatawan. | ifmnews
Facebook Comments