PBBM, bibiyaheng Switzerland para dumalo sa 2023 World Economic Forum

Bibiyaheng Davos, Switzerland si Pangulong Bongbong Marcos ngayong linggong ito.

Ang biyahe ng pangulo sa Davos ay kasunod ng una nang naging imbitasyon sa kanya ni World Economic Forum Founder and Executive Chairperson Klaus Schwab nang sila’y magkita sa ASEAN Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

Ang nabanggit na annual meeting ay sinasabing makapagbigay ng oportunidad sa bansa para muling mabigyang diin na open for business na muli ang Pilipinas sa ilalim ng bagong liderato nito.


Kaugnay nito ay gagawin mamaya ang pre-departure briefing para sa nasabing biyahe ng pangulo.

Haharap mamaya sa briefing sina Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta at Assistant Secretary Eric Tamayo na inaasahang mailalahad ang mga detalye ng magiging kauna-unahang pagdalo ng pangulo sa World Economic Forum.

Facebook Comments