Hand sanitizer dispensers inilagay sa mga Public Schools at Daycare Centers sa Taguig City

29

Naglagay ang lokal na pamahalaan ng Taguig City ng mga hand sanitizer dispensers sa mga public schools and daycare centers ng nasabing lungsod.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ito ay bahagi aniya sa kanilang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng Novel Coronavirus sa kanyang nasasakupan.


Maliban dito aniya, namahagi rin sila ng mga Non-Contact Thermal Scanners para mamonitor ang body temperature ng mga mag-aaral at manggagawa na papasok sa mga paaralan.

Sinabi rin ng Alkalde na nilagyan din nila ng Infrared Thermometers at stationed hand sanitizer dispensers sa mga Taguig Lakefront Community, Taguig Lakeshore Hall, Center for The Elderly at Taguig Manpower Training Center.

Nagpapatuloy din aniya ang Information Dissemination tungkol sa nasabing virus sa mga paaralan, hospital, private clinics, hotels, at marami pang iba.

Facebook Comments