Manila, Philippines – Handa na ang Bureau of Fire Protection (BSP) sa pagtugon sa sunog ngayong Pasko at Bagong Taon.
Titiyakin ng fire bureau na gawing fire hazard free ang Christmas at New Year’s season sa pamamagitan ng kanilang oplan iwas paputok campaign.
Papaigting din ng BFP ang kanilang fire prevention information campaigns; pagpapatupad sa mga provision ng fire code; at ang pakikipagtulungan sa mga concerned agencies, LGUs, law enforcement agencies para fire at emergency response.
Base sa records ng BFP, umabot sa 14 na fire incidents sa buong bansa ang naitala sa nakalipas na pagsalubong sa bagong taon.
Nangyari ang mga sunog sa pagitan ng gabi ng December 31, 2017 hanggang January 1, 2018 na ang karamihan ay sanhi ng paggamit ng pyrotechnics at firecracker.