BUGBOG O DIGNIDAD | Insidente ng bullying sa Ateneo, pinaaaksyunan

Manila, Philippines – Pinaaaksyunan ng Malacañang sa Ateneo de Manila University ang insidente ng pambu-bully na nangyari sa loob ng paaralan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – nabahala siya matapos mapanood ang viral video.

Marahil aniya ay may nangyari na ikinagalit ng Ateneo student kaya nagawa nitong manakit ng kapwa estudyante.


Gayunman, kailangan pa rin itong imbestigahan ng Ateneo dahil malinaw na labag sa batas ang bullying lalo at nangyari ito sa loob ng paaralan.

Samantala, handa raw ang Philippine National Police (PNP) na tumulong para maresolba ang nasabing insidente.

Kung kakailanganin, makikipag-ugnayan ang PNP sa Ateneo.

Facebook Comments