Manila, Philippines – Handa ang gobyerno na suspendehin ang excise tax sa langis sa ilalim ng bagong tax reform law para gumaan ang epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay mayroong suspension provision kung ang presyo ng krudo sa global market ay pumalo sa 80 dollars per barrel o mataas.
Sabi pa ni Roque, mayroon ding cash transfer program para alalayan ang mga mahihirap na pamilya.
Ipasisilip niya sa Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng benepisyo kabilang ang 200 pesos monthly subsidy.
Facebook Comments