HANDA | Mga hospital sa Maynila, handa na sa mga mapuputukan sa pagsalubong ng pasko at bagong taon

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Health na handang-handa na ang mga hospital sa lungsod ng Maynila sa mga sa mga mabibiktima ng paputok sa pasko at pagsalubong ng bagong taon.

Una rito iniinspeksyon ng DOH kahapon ang mga pagamutan sa kalakhang Manila upang matiyak kung mayroong sapat na kagamitan sa pasko at pagsalubong ng bagong taon.

Unang ininspeksyon ng DOH kahapon ay ang Rizal Medical Center sa Pasig at kasunod ang Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City at pinakahuling pinuntahan ay ang UST Hospital sa Manila.


Tinitak ng mga kinatawan ng mga nasabing ospital ang kanilang kahandaan ngayong kapaskuhan lalo na sa pagsalubong sa bagong taon.

Pinuri ng DOH ang UST Hospital dahil nakahanda na sa emergency room ang Medical Equipment tulad ng malalaking gamit pamputol ng mga buto.

Magsisimula ang DOH sa pagbibilang ng mga nabiktima ng paputok sa December 21 kung saan inaasahan na may mga magpapaputok na sa naturang petsa at sa December 21 na rin itataas na ng DOH ang Code White Alert sa lahat ospital.

Matatandaan na noong nakaraang taon nasa 630 ang naitalang nasugatan sa paputok at tulad ng nakaraang taon ,inaasahan na bababa pa ang mga magiging biktima ng paputok dahil sa umiiral na Executive Order ng pangulong Duterte na nagbabawal magpaputok sa mga hindi otorisadong lugar.

Facebook Comments