HANDA NA | Andray Blatche, nag-aantay na lamang ng tawag para muling makapaglaro

48

Handa na daw ang naturalized player na si Andray Blatche na muling maglaro para sa Pilipinas sa susunod na window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nabatid kasi na tapos na ang three-game suspension na ipinataw kay Blatche matapos ang nangyaring gulo sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Australia noong Hunyo.

Sa instagram post ni Blatche, sinabi nito na nag-aantay lamang daw siya ng tawag para makabiyahe na agad at paghandaan ang dalawang sunod na laro.

Maliban naman kay Blatche, puwede na ring makalarong muli sina Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario sa home game kontra Iran sa December 3.

Facebook Comments