IGINIIT | Travel tax at terminal fee, pinasasauli sa mga OFW ng DOLE

28

Manila, Philippines – Plano ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na kausapin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para ibalik ang nasa P500 milyong halaga ng terminal fee at travel tax na nakolekta nila mula sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nagpadala na siya ng sulat sa CAAP para sa naturang request.

Nais din niya na i-remit ng CAAP ang naturang pondo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nagsisilbing trustees ng mga OFW.

Dagdag pa ni Bello, dapat ay itigil na ng CAAP ang pangongolekta ng terminal fee at travel tax sa mga OFW kung saan simula pa noong 2015 ay exempted na ang mga ito sa nasabing bayarin.
Hindi na din magawang makuha ng mga OFW ang refund sa ibinayad nilang terminal fee at travel tax dahil wala nang oras ang mga ito para pa pumila.

Hinimok naman ni Bello ang mga airline companies na huwag nang patawan ng terminal fee at travel tax ang ticket na bibilhin ng mga OFW.

Facebook Comments