HANDA NA | Distribusyon ng relief goods sakaling manalasa ang bagyong Domeng, ikinasa na ng DSWD

Manila, Philippines – Handang handa na ang Department of Social Welfare and Development sa anumang posibleng idudulot ng Tropical Depression Domeng sa bansa.

Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, batay sa DSWD Predictive Analytics for Humanitarian Response ,may 188,334 katao ang lantad sa pagbaha at landslide sa mga lugar na makakaranas na pag ulan sa loob ng 72 oras kung saan 11,532 pamilya doon ay mahihirap.

Sa ngayon ang DSWD Central Office kasama ang Field Offices at National Resource Operations Center ay mayroong stockpiles at standby funds na abot sa higit 1.155 Bilyong piso.


Nakahanda ang DSWD na ipamahagi ito kung sakaling maging ganap na bagyo si tropical depression Domeng.

Base sa huling ulat ng Pagasa Weather Bureau, napanatili ni DOMENG ang kanyang lakas habang tinatahak ang North-Northwest Direction sa karagatan ng bansa.

Huling namataan ang sentro ng mata ng bagyo bago magtanghali kanina sa 805 km East ng Catarman, Northern Samar .

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at bugso ng hanggang 60 kph.Kumikilos ito patungo sa North Northwest sa bilis na15 kph.

Dala nito ang moderate to heavy rains sa loob ng 300 km diameter ng Tropical Depression lalo na sa Eastern Visayas at Bicol regions.

Facebook Comments