NBA | LeBron James, Paul George, posibleng maging magkakampi sa susunod na season

Hindi pa man tapos ang NBA Finals pero usap-usapan na sa liga ang posibilidad na maging magkakampi sina LeBron James at Paul George sa susunod na season.

At hindi sa Cleveland o sa Oklahoma City magkakasama ang sina The King at PG 13 kundi sa Los Angeles Lakers.

Ayon sa mga balita, magandang destinasyon ang Tinseltown para kay James at George dahil kaya ng Lakers na ibigay ang suweldong nais ng dalawa.


Bukod pa rito malaki ang potential ng batang koponan ng Lakers na kailangan ang liderato ng dalawang beteranong sina James at George.

Bukod sa Los Angeles, posibleng maglaro rin sa Philadelphia at Houston sina James at George.

Nakatakdang maging free-agent ang dalawang NBA superstars pagkatapos ng season na ito.

Facebook Comments