Manila, Philippines – Handang-handa na Land Transportation Franchising and Regulatory Board para asistihan ang mga motorista na paluwas ng lalawigan ngayong holiday season.
Ito ay matapos pormal nang ilunsad ng DOTr at ng ibat ibang attached agencies ng “Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2018″.
Layunin nito na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero na papasok at palabas ng lalawigan ngayong pasko at bagong taon.
Tiniyak ni LTFRB chairman Martin Delgra na gagawin ng ahensiya ang lahat para matulungan ang mga motorista na makarating nang mabilis, komportable, at ligtas sa kanilang mga destinasyon.
Magsisimula ang oplan sa Disyembre a -10 at magtatapos sa Enero 5 ng susunod na taong 2019.
Inobliga naman ang lahat ng sangay ng ahensiya na buksan ang kanilang komunikasyon 24 oras para sa anumang koordinasyon lalo na sa daloy ng trapiko.
Tiniyak naman ng DOTr na lahat ng incident reports at traffic updates ay iuulat on time sa social media accounts at website.