Manila, Philippines – Naniniwala si Senate President Koko Pimentel na dumarami na ang mga Local Government Units o LGUs na handa na sa planong pagpapalit ng kasalukuyang porma ng gobyerno patungong Federalism.
Ang pahayag ay ginawa ni Pimentel, makaraang umabot sa 448 ang mga LGUs na nakakuha ng Department of the Interior and Local Government o DILG Seal of Good Local Governance ngayong 2017.
Ang mga LGUs na nabigyan ng nabanggit na award ay pumasa sa nararapat na standards sa larangan ng pananalapi, kahandaan sa kalamidad, social protection, peace and order situation, environmental protection, business friendliness at turismo.
Ayon kay Pimentel, mahalaga sa mga LGUs na maging matatag at may maayos na pamamahala para matiyak na aanihin ang benepisyo ng Pederalismo.