Isandaang porsyento nang handa ang pwersa ng Philippine National Police (PNP) sa pagsisimula ng filing ng certificates of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa 2019 midterm elections
Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Director Guillermo Eleazar, inatasan na niya ang 5 five district directors na mahigpit na i-monitor ang anumang political developments sa kanilang areas of responsibility.
Sa ngayon, walang natukoy ang NCRPO na areas of concern sa Metro Manila pero hindi aniya ito nangangahulugang magpapakampante sila sa kanilang trabaho.
Samantala, sinabi ni Eleazar na wala namang politiko sa Metro Manila ang humingi ng police protection sa NCRPO.
Simula bukas October 11 hanggang October 17 ang paghahain ng kandidatura.
Nabatid na walang naitatalang election-related violence sa Metro Manila magmula noong 2016 elections.