Nakahanda na ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa pagbabantay ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2018 sa seguridad ng sapat na daloy ng kuryente nang sa gayo’y hindi makaantala ito sa araw ng eleksyon.
Kasama sa paghahanda ang mahigpit na pagmonitor at agarang pagresponde ng NGCP’s System Operations (SO) at Operations and Maintenance (O&M) sa anumang aberya sa daloy ng kuryente sa kasagsagan ng eleksyon. Handa ring tumugon ang mga line crews, engineers, maintenance at testing personnel na naka posisyon na sa iba’t ibang istasyon ng NGCP upang umagapay at rumesponde kung sakaling magkaroon ng problema sa kuryente.
Layunin ng NGCP’s Integrated Disaster Action Plan na maging maayos ang takbo ng eleksyon hanggang sa matapos ito ng walang aberyang nagaganap.
Ang NGCP ay isang pribadong institusyon na nakatuon sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng Country’s power grid na pinangungunahan ni Henry Sy bilang shareholder at Robert Coyuitos Jr.