HANDA | PNP, handa na sakaling magsilbi na ng arrest warrant laban kay Trillanes

Manila, Philippines – Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ay sa oras na ilabas ito ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 dahil sa kaso nitong kudeta.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – mauuna na ang kanilang mga tauhan sa Makati City Police Office at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagsisilbi ng arrest warrant.


Dederetso na aniya sa Kampo Krame ang senador kung saan gagawin ang kanyang booking procedure bago dalhin sa magiging commitment order ng korte para matiyak ang seguridad ng senador.

Sa ngayon, hindi pa rin naglalabas ng resolusyon ang Makati RTC Branch 148 hinggil sa mosyon ng DOJ.

Facebook Comments