HANDA | PNP-Northern Mindanao, handa na sakaling ilipat sa kanila ang kostudiya ni Ardot Parojinog

Tiniyak ng Philippine National Police-Northern Mindanao ang seguridad ni resigned Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog.

Ito ay kung sakaling mapagdesisyunan ng korte na ikulong si Ardot sa city jail ng Ozamiz, Misamis Occidental matapos ang pagtatago sa Taiwan.

Ayon kay PNP Regional Spokesperson Superintendent Surki Sereñas, bubuo ng special team ang kanilang hanay sakaling ilipat sa kanila ang kustodiya ni Parojinog.


Magugunitang may direktiba si Pangulong Duterte sa paghahanap sa dating konsehal na kapatid ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na sangkot umano sa illegal drug operations sa Mindanao.

Noong nakaraang taon nang mapatay sa anti-illegal drug operations ng mga otoridad ang alkalde, kapatid nitong si Octavio Parojinog at 14 na iba pa.

Facebook Comments