Manila, Philippines – Handa si Senador Koko Pimentel III na makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng nangyaring gusot sa PDP-Laban.
Ayon kay Pimentel, matagal na niyang hinihintay na makapulong ang Pangulo.
Sa kabila ng pagkakatanggap sa kanya sa pwesto, kumpiyansa si Pimentel na nasa kanya pa rin ang tiwala ng Pangulo lalo at matagal na siya sa PDP-Laban at hindi siya nagpalit ng partido.
Sa ngayon, wala pang abiso sa kanya kung saan at kailan gaganapin ang pagpupulong.
Facebook Comments