HANDA | Yeng Guiao, handang magbitiw bilang coach ng Team Pilipinas sakaling hindi makapasok sa FIBA

Handang bitawan ni coach Yeng Guiao ang Team Pilipinas kung hindi daw makakapasok ang national team sa 2019 FIBA World Cup.

Ayon kay Guiao, wala raw rason para maging coach pa siya ng men’s basketball program ng bansa kung hindi raw niya magagawang gampanan ang tungkulin.

Hinihintay na lamang daw ni Guaio ang pormal na anunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung ibibigay pa rin sa kanya ang coaching job.


Pero giit ni Guiao, sakaling ialok naman sa kanya ay buong puso niya raw itong tatanggapin.

Matatandaan na ikinatuwa ng SBP ang ipinapakitang performance ni Guiao sa 18th Asian Games sa Indonesia at ang pag-upo nito bilang coach sa dalawang beses laro ng team Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan nasa ikatlong puwesto sila sa group F ng torneyo na may 5-3 win/loss record.

Facebook Comments