WALANG FOREVER | Sam Concepcion, hirap mag-move on sa break-up nila ni Kiana Valenciano

Manila, Philippines – “Mahirap pero kailangan mag-move on”.

Ito ang naging pahayag ngayon ng singer/actor na si Sam Concepcion matapos ang nangyaring hiwalayan nila ng anak ni Gary Valenciano na si Kiana.

Hindi na idinetalye pa ni Sam kung kailan sila naghiwalay at kung ilan taon din silang naging mag-boyfriend ni Kiana dahil medyo nasasaktan daw siya kapag naalala niya iyon.


Nang tanungin naman kung tanggap ba ni Kiana ang nangyari, agad na sinagot ni Sam na kapwa nila desisyon ang break-up kaya at kailangan nang mag-move on.

Inamin din ni Sam na isa sa mami-miss niya ay ang pagkakaroon ng bonding sa pamilya ni Kiana na talagang na-eenjoy niya noong sila pa.

Sa ngayon, focus muna si Sam sa trabaho at kaniya din iginiit na walang third party sa kanilang hiwalayan.

Facebook Comments