HANDANG HARAPIN | Out-going PNP Chief Dela Rosa, handa sakaling masampahan ng kaso kahit sibilyan na kaugnay sa war on drugs

Manila, Philippines – Handa pa rin si out-going PNP Chief Ronald Dela Rosa sa anumang kaso na maaring isampa sa kanya ng kanyang mga kritiko kahit pa sibilyan na sya dahil sa mga patayan sa ilalim ng war on drugs campaign ng PNP.

Sinabi ni Dela Rosa sa isang panayam sa Baguio City pagkatapos ng kanyang testimonial parade na nakahanda siyang samahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahit anong kaso na maaari nilang kaharapin.

Matatandaang isa sa mga itinuturing ni Bato na tagumpay sa kanyang pamumuno bilang PNP Chief ang kampanya kontra droga ng pamahalaan sa kabila ng kaliwat-kanang batikos na ibinabato laban sa kanilang war on drugs.


Naniniwala ang opisyal na dahil sa war on drugs ng PNP ay naibalik ang tiwala ng publiko sa PNP.

Una ng inatasan ng Korte Suprema ang PNP na magsumite ng kanilang mga dokumento kaugnay sa 4 libong patay sa ilalim ng giyera kontra droga na una ng tinutulan ni Dela Rosa.

Sa April 19 ay baba na sa pwesto si Dela Rosa na papalitan na ni incoming PNP Chief Oscar Albayalde.

Facebook Comments