Cauayan City, Isabela- Nakikita ng Department of Education-Tabuk (DepEd-Tabuk) kung gaano epektibo ang paggamit ng handheld radio o ang ‘walkie talkies’ para sa distance learning ng mga mag-aaral sa new normal.
Ito ay makaraang magsagawa ng pilot-testing sa karamihan ng mga paaralan sa lungsod.
Ayon kay Schools Division Superintendent Irene Angway, pinapabilis ng nasabing handheld radio ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga guro at mag-aaral,madaling gamitin kahit sa mga kindergarten, at hindi rin kinakailangan na gumastos ang mga gurp at mag-aaral para sa load upang tumawag.
Bukod dito, sa paggamit ng handheld radio, natututukan ng mga guro ang kanilang mga mag-aaral nang real-time.
Tabuk City ngayon ang natatanging lugar na gumagamit ng nasabing aparato para sa mga mag-aaral.
Sinabi pa ng opisyal na ang paggamit ng mga handheld radio at nasubukan na sa Magnao,Maledda, Dagupan, Laya, Cabaruan at Bado Dangwa at sa mga mag-aaral na nasa Alternative Learning System o ALS.
Ayon pa kay Angway, ang tagupay ng diskarte ay tulad na nakuha nito ang pansin ni DepED Undersecretary Alain Pascua ng ibahagi ito sa isang pagpupulong sa La Trinidad, Benguet.
Naghahanap din ang DepED ng paraan kung paano mapapalawak ang paggamit ng mga handheld radio sa iba pang mga lugar at nasa proseso na ngayon ng pagkuha ng mga karagdagang yunit.
Bukod pa sa mga handheld radio, hinahanap din ng DepED kung paano mapapalawak ang paggamit ng offline e-learning system, isang teknolohiya na nagbibigay-daan upang magamit ang mga computer ng hindi nangangailangan ng internet connection.
Dagdag pa ni Angway, bagama’t hindi kahalintulad ng nasabing radyo ang offline e-learning subalit mababawasan naman ang paggamit ng papel para sa mga iimprentang module.
Mapapalaki rin nito ang paggamit ng mga computer at iba pang mga gadget sa mga paaralan na tatanggap ng programa sa computerization ng DepED tulad ng Cudal Community.