“Hands-on training” para sa canvassing sa mga kandidato sa presidente at bise presidente, idinaos sa Kamara

Nagsagawa ng “hands-on training” ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa gagawing canvassing o pagbibilang ng boto sa mga kandidato sa pagkapresidente at bise presidente ng bansa, ilang araw bago ang nakatakdang May 9, 2022 national at local elections.

Katuwang ng Kamara ang Commission on Elections o COMELEC sa isinagawang pagsasanay kahapon na ginawa sa Batasan Complex.

Kasama rin sa demonstration ang mga staff at iba pang kinatawan mula sa Senado.


Sa “hands-on canvassing training” ay ipinaliwanag at ipinakita ni COMELEC Systems and Programs Division IT Officer Felimon Enrile III ang operasyon ng Consolidation and Canvassing System o CCS, na limitado lamang para sa National Board of Canvassers o NBOC-Congress.

Alinsunod sa Constitutional mandate ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso, sila ay magko-convene bilang NBOC at magka-canvass ng mga boto ng mga kandidato sa pagkapresidente at bise presidente, at kinalauna’y magpo-proklama sa mga nanalo at magiging bagong pinuno ng bansa.

Facebook Comments