Pangulong Duterte, imbitado sa pagsasanib ng PDP-Laban at Uniteam campaign rally

159

Imbitado si Pangulong Rodrigo Duterte sa ikinakasang pagsasanib pwersa ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Uniteam sa isang campaign rally.

Ito ang kinumpirma ni acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kasunod ng sinasabing pag-uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally.

Ayon kay Andanar, meron nang imbitasyong ipinadala sa pangulo, bagama’t wala namang nabanggit pa kung kailan at saan gagawin ang campaign rally ng dalawang partido.


Sinabi pa ng kalihim na wala pa ring tugon ang Punong Ehekutibo kung pauunalakan niya ang nasabing campaign activity.

Ilan sa mga lugar na nababanggit na posibleng pagdausan ng joint campaign rally ng Uniteam at PDP-Laban ay Bulacan, Parañaque habang ikinukonsidera din ang Laguna at Nueva Ecija.

Facebook Comments