Hangarin na bawasan ang termino ng senador, malabong mangyari

Sa tingin ni Senate President Tito Sotto III malabong mangyari na mailimitahan sa tatlong taon ang kasalukuyang anim na taong termino ng mga senador.

 

Paliwanag ni Sotto, ang konstitusyon ang nagtatakda kung taon dapat manungkulan ang mga senador.

 

Ayon kay Sotto, ang pagpapa-ikli sa termino ng senador ay kailangang idaan sa pag-amyenda sa konstitusyon at hindi maaring sa pagpasa lamang ng simpleng batas.


 

Katwiran naman ni Senator Win Gatchalian ang anim na taong termino ngayon ng mga senador ay tama lamang sa oras at panahon na kailangan sa pagpasa ng batas.

 

Ipinunto pa ni Gatchalian, na nationwide ang kampanya ng isang senador at posible din na magkaroon ng problema sa attendance kung gagawing tatlong na lang ang isang termino ng senador.

Facebook Comments