Mga intel officer hahalo sa raliyista sa araw ng SONA; alerto ng pnp itataas sa full alert simula sa Sabado

157

Magpapakalat ng mga intel officer ang Philippine National Police sa mga lugar  na pagdarausan ng rally para sa gagawing State Of The Nation Address o SONA  ni Pangulo Rodrigo Duterte sa Lunes.

 

Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde ito’y upang mapigilan ang mga. Masasamang loob na gumawa ng gulo habang nagra-rally.


 

Kaugnay nito, sinabi pa ni Gen. Albayalde na isang daang porsyento na silang nakahanda para sa seguridad ng SONA sa Lunes.

 

Magkakaroon rin ng signal jammer sa mismong araw ng SONA.

 

Otomatiko aniyang  gagawin  ito ng mga telecommunication company.

 

Nangyayari aniya ito pagdating at pagalis ng pangulo sa Batasan Complex. At upang matiyak na magiging payapa ang mismong araw ng SONA itataas ng PNP ang full alert status sa buong bansa simula sa sabado ng umaga.

Facebook Comments

From Advertisers