Hanggang 80% sa sektor ng agrikultura sa Negros Oriental, hindi na mapakikinabangan dahil sa ashfall

Malaking bahagi ng sektor ng agrikultura sa Negros Oriental ang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay Office of Civil Defense o OCD region 7 Director Joel Erestain, kabuhayan ng mga magsasaka ang lubhang naapektuhan sa ashfall.

Sa inisyal na datos aniya, mula 60-80 percent ng mga lupang sakahan ang hindi na mapakinabangan.


Sa katunayan aniya, pinalilikas na ang mga ito sa kanilang mga lupang sakahan upang hindi malagay sa peligro ang kanilang buhay.

Maliban sa mga pananim, apektado rin ng ashfall ang mga alagang hayop o livestock.

Dagdag pa ni Erestain, mas malulugmok sa kahirapan ang mga magsasaka roon.

Asahan naman umano ng mga magsasaka na may nakahandang tulong sa kanila ang pamahalaan upang makabangon sa kanilang kabuhayan.

Facebook Comments