Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa publiko laban sa mga naglipanang fake news sa panahon ng kalamidad, lalo na sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa pangulo, mahalaga ang komunikasyon sa panahon ng krisis dahil naka-angkla sa tamang impormasyon ang epektibong pagtugon sa sakuna.
Kaya naman nanawagan ito sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng fake news dahil nakamamatay ito.
Sabi ni PBBM, patuloy na maglalabas ang PHIVOLCS ng round-the-clock advisories sa lenggwaheng madaling mauunawaan ng mga tao.
Nakiusap rin ito sa mga apektadong residente lalo na sa mga ayaw lumikas, na sumunod sa babala ng mga awtoridad.
Giit ng pangulo, mas mahalaga ang buhay kaysa ari-arian sa ganitong mga sitwasyon.
Facebook Comments