Hanggang pisong dagdag-presyo sa gasolina, ipatutupad sa Martes, presyo ng diesel may kakarampot na bawas

57

Epektibo sa Martes. muling magpapatupad ng panibagong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga oil company.

 

Sa abiso, maglalaro sa P0.90 hanggang piso ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

 

Kakarampot naman ang bawas singil sa diesel na hanggang P0.10 kada litro.

 

Habang walang inaasahang paggalaw sa kerosene.

 

Mula Enero 2019, nasa mahigit P6 na ang itinaas sa presyo ng Diesel, mahigit P5 sa gasolina at mahigit P4 sa kerosene.

 

Ang panibagong oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa world market at sa resulta ng kalakalan hanggang noong biyernes.

Facebook Comments