Hanggang saan aabot ang sweldo mo?

Maraming mga Pilipino ang gustong yumaman, magtipid, at mag-ipon. Pero sa kaliwa’t kanang gastusin, hindi mo na alam kung ano ang uunahin. Paano nga ba kadalasang nauubos ang sweldo ng isang empleyado? Saan nga ba napupunta ang pinaghirapan mo?

“Kanina’y nanriyan lang, oh ba’t, bigla nalang nawala?” Kakahawak mo lang ng sahod mo, ubos na agad? Kakasahod mo palang, inaantay mo na agad ang kinsenas o katapusan? Hindi mo nakita kung bakit biglang nawala. Hindi mo napansin na ubos na pala. At pinakanakakalungkot, hindi mo naramdaman. Animo’y mabilis na tinangay ng hangin ang sahod mo. Parang dumaplis lang sayo.

Sabi nga ni Chinkee Tan, isang sikat na Filipino Motivational Speaker, sa isang blog niya, “Mahirap kapag ganito lagi ang dilemma. Kung simple o maliit na gamit nga lang na nawawala, nakakabaliw na – eh ‘yun pa kayang pera na kailangan nating pagtrabahuan ng isang buwan?


Bilang isang Young Professional, parte ito ng proseso ng “adulting”. Dadating ka talaga sa punto ng buhay mo na ikaw na ang responsible sa mga bills ninyo, pagkain sa bahay, at iba pang gastusin. But it doesn’t matter kung malaki o maliit ang sweldo, nasa tamang management and budgeting lang ‘yan, idol! Kaya wag kang magugulat kung ubos na agad ang sweldo mo dahil aminin mo, ginastos mo ‘yun.  Mamahaling kape, no more.

Narito ang listahan ng karaniwang ginagastos ng isang Young Adult na sumasahod ng P14,500.00.

Para sa gastusin sa bahay, siya ay naglalaan lamang ng 25% ng kanyang sinahod. Ito ay mahigit kumulang P 3,625.

Para naman sa transportation, pamasahe man ‘yan o pang-gas. Ito ay umaabot sa P1,450.

Para sa pagkain at groceries naman sa bahay, P 3,625.

Makakalimutan ba ng Young Adult ang kanyang sarili? Siyempre hindi, kaya magbibigay siya ng P1,740 para sa kanyang personal expenditures.

At para naman sa mga insurances, P 2,175.

Hindi rin magpapahuli ang mga bills ng kuryente, tubig , at internet. Kaya maglalaan sila ng P3,625.

Ayan ang karaniwang gastos ng isang new wage earner. Kung sakaling lumagpas pa diyan ang ginagastos mo, nako ka-idol, kabahan ka na! Maluluha ka nalang sa laman ng wallet mo. Kaya maging matalino sa pag gastos upang umabot sa susunod na sahod.  Disiplina lang ‘yan. Set goals! Makakaya mo rin ‘yan!


Article written by Leogene Bomitivo

Facebook Comments