Suspek sa pagpatay sa isang pulis, huli sa operation sa sarangani!

General Santos City— Arestado ang isang wanted person sa probinsya ng Sarangani matapos ang isinagawang manhunt operation ng Sarangani Provincial Police Office, Sarangani Intelligence Branch kasama ang Glan at Malapatan Municipal Police Station.

Alas 2 ng madaling araw ng isinilbi ang warrant of arrest laban sa suspek na si Gregorio SagliAray, 31 years old at residente ng Prk. Islam, Brgy. Sapu Masla, Malapatan, Sarangani Province.

Ang suspek ay may warrant of arrest sa kasong Murder at Qualified Direct Assault with Attempted Murder dahil sa pagpatay kay SPO1 Rodolfo Turtal na nakadestino sa Glan Municipal Police Station noong December 12 2016.


Ng magsagawang body search ang kapulisan ay nakuha sa posisyon nito ang dalawang papel na may lamang dahonng marijuana.

Sa ngayon ang suspek ay nasakustudiya na sa Malapatan Municipal Police Station na nahaharap sa dagdag na kasong paglabag sa Sec.11 ngR.A 9165.

Facebook Comments