Magkakaroon pa rin ng mga mahihinang ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Kabisayaan.
Bunsod ito ng northeast monsoon o hanging amihan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – ang silangang bahagi ng hilaga, gitna at katimugang Luzon ay makararanas pa rin ng mga pag-ulan.
Ang natitirang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila, magiging maaliwalas ang panahon.
May mga pag-ambon naman sa Visayas.
Maaliwalas ang panahon sa buong Mindanao.
Paalala sa mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat, delikado pa ring maglagay sa silangang baybayin ng Luzon at Visayas.
Samantala, inilabas na rin ng mga pangalan para sa mga bagyong inaasahang tatama sa bansa ngayong 2019.
Kabilang sa mga pangalan ay:
1. Amang
2. Betty
3. Chedeng
4. Dodong
5. Egay
6. Falcon
7. Goring
8. Hanna
9. Ineng
10. Jenny
11. Kabayan
12. Liwayway
13. Marilyn
14. Nimfa
15. Onyok
16. Perla
17. Quiel
18. Ramon
19. Sarah
20.Tisoy
21. Ursula
22. Viring
23. Weng
24. Yoyoy
25. Zigzag
Naghanda rin ang PAGASA ng ilang pangalan sakaling lumagpas sa 25 ang bilang ng bagyong papasok sa bansa.
Kinabibilangan ito ng: Agila, Bagwis, Chito, Diego, Elena, Feline, Gunding, Harriet, Indang at Jessa.