Magiging maulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon at Kabisayaan.
Ito ay dahil patuloy na umiiral ang northeast monsoon o hanging amihan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – may mahihina hanggang sa katamtamang ulan sa Cagayan Valley at Aurora Province.
Ang Cordillera at Quezon Province naman ay may mahihinang ulan din.
Bagamat, maayos na ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila, asahan pa rin ang mga panaka-nakang pag-ulan.
Apektado ng hanging amihan ang alon sa halos buong Luzon at sa silangang baybayin ng Visayas at Mindanao kaya delikado pa ring pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat.
Facebook Comments