Hanging bridge sa Capiz, bumigay matapos itawid ang isang bangkay; Ilan sa mga nakikilibing, nahulog sa ilog

Mambusao, Capiz – Nakalabas na ng ospital ang mahigit sa10 katao matapos mahulog sa hanging bridge sa Barangay Pang-Pang Norte, Mambusao, Capiz kahapon ng umaga.

Ayon kay Punong Barangay Rodolfo Lunas, dadalo umano ang mga ito sa isang libing nang dumaan sila sa hanging bridge.

Dahil sa dami at bigat ng mga tumatawid, nawalan ng balanse at naputol ang isang kable ng tulay, na naging dahilan ng pagtagilid nito. Mahigit sa 30 katao ang nahulog sa ilog kung saan mahigit sa 10 sa kanila ay nagkaroon ng sugat sa katawan. Ang iba naman ay nakainom ng tubig at nakaramdan ng matinding takot at kaba.


Mabilis namang isinagwa ng Mambusao MDRRMO, PNP, BFP at PDRRMC ang rescue operations at nasagip ang mga biktima. Wala namang nasawi sa nasabing insidente.

Samantala, ipinangako ni Mambusao Mayor Leodegario Labao na ipapa-ayos nito ang nasirang hanging bridge dahil ito lamang ang pangunahing daanan ng mga resident e ng Barangay Pang-pang Norte upang makatawid sa ilog patungo sa kanilang bayan.

Nagpag-alaman na ang nasabing tulay ay ginawa pa noong 1988.

Facebook Comments