DJ ng FM station patay ng maglaslas ng leeg sa Kidapawan City

Masaklap ang sinapit ng isang DJ ng isang FM station sa Kidapawan City ng itoy masawi ng maglaslas sa leeg sa mismong tinutuluyan nitong boarding house sa lungsod ng Kidapawan sa North Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Ryan Ynion, na mas kilala sa tawag na ‘Mikko Chiko’ 23-anyos at residente ng Poblacion, Antipas, North Cotabato. Batay sa report ay nag usap habang nagkakape ang biktima at ang kanyang ama kaninang umaga.
Napansin ng ama na merong nakapulupot na balabal sa leeg ni Ryan at ng usisain ng ama ay nakita ang maraming dugo.
Naisugod pa ang biktima sa Kidapawan Medical Specialist pero binawian din ito ng buhay . Sinasabing may ini-inda umanong karamdaman ang biktima bukod pa sa depression dahil sa pagkaka-ospital ng ina nito .
Ayon pa sa report kutsilyo umano ang ginamit sa paglaslas sa kanyang leeg.

Facebook Comments