Hans Leo Cacdac, muling itinalaga ni PBBM bilang ad interim Secretary ng DMW

 

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Hans Leo Cacdac bilang ad interim Secretary ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ang muling pagtatalaga kay Cacdac ay nakasaad sa listahan ng mga presidential appointees na inilabas ng MalacaƱang noong Biyernes na nagpapakita ng patuloy na pagtitiwala ni Pangulong Marcos sa opisyal.

Matatandaang na-bypassed ng Commission on Appointments (CA) si Cacdac nang ipinagpaliban ang pag-apruba nito dahil sa kakulangan ng oras at hindi na ito naihabol pa bago ang sinedie adjournment ng ikalawang regular session ng 19th Congress.


Bago nito ay nauna nang itinalaga ng pangulo si Cacdac bilang officer-in-charge (OIC) ng DMW matapos ang pagpanaw ni dating kalihim Susan ā€œTootsā€ Ople noong Agosto 2023.

Nagsilbi si Cacdac bilang Undersecretary ng DMW; Executive Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Employment Administration (POEA); at Undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Nagsilbi rin siya bilang Associate Lawyer at Urban Poor Unit Coordinator ng Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (SALIGAN) sa pribadong sektor.

Facebook Comments