Sen. Robinhood Padilla, itinalagang pangulo ng PDP-Laban

Itinalaga bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino- Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Robinhood Padilla.

Kinumpirma ito ni Senate Majority Leader Francis Tolentino kung saan ay tinalakay na rin ito kamakailan sa naging pagkikita nila kasama sina Padilla, dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Christopher ‘Bong” Go at Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Mananatili namang Chairman ng PDP-LABAN si dating Pangulong Duterte.


Paliwanag ni Tolentino, si Padilla ang isinunod nila na pangulo ng partido dahil siya na rin ang kamakailang executive vice president nito at hindi rin siya re-electionist.

Sa pag-upo ni Padilla ay papalitan niya si PDP President at Palawan Rep. Jose Chavez Alvarez habang hindi matiyak ni Tolentino kung magkakaroon o papaano ang magiging pagbabago sa ibang posisyon.

Facebook Comments